TV

John Feir at Mosang, pag-aagawan si JC Tiuseco sa 'Dear Uge'

By Cherry Sun

Gaganap sina John Feir at Mosang bilang ang magkapatid na sina Candy at Paulina na mag-aaway dahil sa iisang lalaki sa kuwentuwaan ngayong Linggo, February 4, sa Dear Uge.

Para sa  transwoman na si Candy, hero niya ang kanyang Ate Paulina. Habang si Paulina naman ay itinuturing na kanyang liwanag at sandalan ang kanyang nakababatang kapatid. Mayroon silang kakaibang bond na walang sino man o ano man ang makasisira. ‘Yan ang kanilang pinaniniwalaan hanggang sa dumating si Anthony (JC Tiuseco) sa buhay nila.

Si Anthony ay isang film student na nanuluyan sa kanila bilang boarder. Dahil kay Anthony ay mabubuhayan sila at mararanasan nila muli ang kabataan. Pareho silang mai-in love sa binata at magkakaroong ng kompetisyon sa pagitan ng magkapatid.

Makakagawa sina Candy at Paulina nga mga bagay na makasisira sa relasyon nila bilang magkapatid dahil lamang sa iisang lalaki. Maayos pa kaya ang lamat sa pagitan nila?

Abangan ang kahahantungan ng kuwentuwaang ito sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, February 4.