TV

Denise Barbacena, gagawin ang lahat mapansin lang ni Addy Raj?

By Cherry Sun

Truest type of love daw kapag gagawin mo ang lahat para sa ikasasaya ng mahal mo. Ganito ang sinubukang gawin ni Denise Barbacena para kay Addy Raj sa pamamagitan ng karakter nilang sina Bonita at Jerome sa Dear Uge episode ngayong Linggo, April 22.

Isang maprinsipyong waitress si Bonita sa isang beach restaurant. Willing siyang gawin ang lahat para sa kanyang pangarap. Kaya lang, ang ultimate dream pala niya ay ang maging significant other ng kanyang manager na si Jerome.

Magbo-volunteer si Bonita na maging personal assistant ni Jerome sa bikini contests ng kanyang boss. Dahil dito ay isasakripisyo niya ang kanyang oras, pride, at trabaho para sa binata. 

Patuloy na mangangarap si Bonita hanggang sa malaman niya ang tunay na ugali ni Jerome. Ginagamit lang pala siya ng kanyang boss para maabot nito ang sarili niyang pangarap.

Ano na kaya ang gagawin ng ating bida? Sundan ang kanilang kuwentuwaan at tumutok na sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, April 22.