TV

Carmi Martin, Maureen Larrazabal, at Denise Barbacena, pag-aagawan si Rodjun Cruz sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Ito ang kuwento ng tatlong babae na nakaranas ng iba't ibang klase ng heartbreak.

Denise Barbacena at Rodjun Cruz

Si Luisa (Carmi Martin) ay isang widower at ang pinakamatanda sa tatlo. Pagkatapos mamatay ng kaniyang asawa, pinangako ni Luisa sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ng iba. Ngunit napansin niya na nami-miss na niya ang pakiramdam na magmahal.

Si Nancy (Maureen Larrazabal) naman ay nagkaroon ng galit sa mga lalaki nang malaman niyang bakla pala ang kaniyang asawa. Dahil dito, pinaniniwalaan niya ang kasabihang, “There's more to life than love.”

'Di tulad ng dalawa, si Bella (Denise Barbacena) ay galing sa isang mahirap na pamilya kaya nagtatrabaho siya para kay Luisa as a maid. Pero nang makipaghiwalay ang kaniyang boyfriend sa kaniya, hindi na makatrabaho nang matino si Bella dahil lagi niyang pinapangarap ang kaniyang boyfriend.

Nang magkita-kita ang tatlo sa isang chic resort, nakilala nila si Marco (Rodjun Cruz) na isang waiter na may charming good looks at personality.

Dahil dito, napag-isipan ni Luisa na gamitin si Marco upang makapag-move on na si Bella. Habang si Nancy naman ay pilit na pipigilan ang plano nito.

Magtatagumpay kaya si Luisa? Paano kung ma-in love si Marco kay Luisa at hindi kay Bella?

Alamin ang mga pangyayaring yan sa kuwentuwaang magaganap ngayong Linggo, May 19, sa Dear Uge kasama sina Carmi Martin, Maureen Larrazabal, Denise Barbacena, at Rodjun Cruz.