TV

Dear Uge: Tambalang Tekla at Boobay, bida ngayong Linggo, January 27

By Cherry Sun

Ang riot na hatid na tambalan nina Boobay at Tekla, mapapanood din sa Dear Uge ngayong Linggo, January 27.

Boobay at Tekla

Gaganap si Tekla bilang si Faith, ang original wife ni Jeremy (Ervic Vijandre) habang si Boobay naman si Hope, ang kabit.

Nang malaman ni Faith na may ibang babae ang kaniyang mister, kinumpronta niya ang dalawa.

Sa kasamaang palad, naaksidente siya at nahulog sa pond na may buwaya.

Akala nina Jeremy at Hope ay dito na nasawi si Faith

Nag-survive pala si Faith at pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya na may ibang mukha at pangalan.

Magpaplano siya ng kanyang paghihiganti ngayong nalaman niyang kasal na pala sina Jeremy at Hope.

Magtagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti, o matututunan kaya niyang magpatawad?

Sundan ang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, January 27.