TV

Alden Richards ang poging security guard | Ep. 161

By Cara Emmeline Garcia

Minsan nga naman, ang universe ay susubukan ka. Kahit gaano ka man kabait, may araw na susubukan ang pag-uugali mo. At kung mangyari man 'yun, ano'ng gagawin mo? Hahayaan mo lang ba o paninindigan mo ang prinsipyo mo?

Sa darating na Linggo, March 24, makikilala natin ang isang matulunging security guard na nagngangalang Gardo (Alden Richards). Kahit ano mang pagkakataong makatulong siya sa kanyang kapwa ay kinukuha niya ito. Kasama na rito ang pagtulong niya sa kanyang kaibigan na si JP (Pekto Nacua).

Pero paano kung subukan siya ng tadhana? Ano'ng mangyayari kung bigla-bigla siyang maging isang bayani kahit hindi niya sinasadya? Makokonsiyensya kaya siya na gawin ang tama o susuko kaya siya sa tukso?

Panoorin ang magaganap na kuwentuwaan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge kasama si Pambansang Bae, Alden Richards ngayong Linggo, March 24, pagkatapos ng Sunday PinaSaya sa GMA7!