TV

Divine excited sa mga bagong paandar ng 'Dear Uge'

Excited na excited na ang Kapuso versatile actress at singer na si Divine para sa mga bagong
paandar ng isa sa longest-running comedy shows ng GMA 7, ang Dear Uge. Sumampa
na sa kanilang ika-apat na taon ang nasabing show at malaki ang pasasalamat ni Divine sa show kung saan siya nagsimula at nakilala bilang isang mahusay na aktres at komedyante.

Divine Aucina


“Grateful ako! Ang daming blessings ni Lord at wala na akong masabi pa kundi THANK YOU lalo
na sa GMA 7 sa kanilang pagtitiwala sa akin! It's been four years at lalong
sumasaya ang buhay lalo na sa show namin ni Ate Uge” sabi ni Divine.

Para sa ika-four years ng nasabing show, magkakaroon ito ng bagong gimmiks. Say ni
Divine, “Sobrang lakas ng support ng mga televiewers ng Dear Uge kaya mas magiging
interactive at engaged pa kami sa viewers ngayon. Mas bongga pa ang tatanggapin naming
mga katanungan mula sa mga viewers every week at sasagutin namin sila sa mga queries nila
about love, family and life. Isa na din itong pasasalamat sa ating mga Kapusong tumututok sa
Dear Uge every Sunday!”

Isa si Divine sa mga kilalang komedyante ng Kapuso network. Ang shows niya kung saan mostly romcom, lagi ring pinag-uusapan sa social media. Ngunit kamakailan ay pinag-usapan din ang kanyang pagiging matapang sa pag-aming hindi na siya virgin.

Aniya, “I was only being honest that time, mahirap sumagot sa mga ganyang katanungan kasi it's always been a taboo sa kultura natin. I am an adult na po and I own my decisions and life choices. Ilang taon na akong graduate, nagtatrabaho na rin ako. OMG! Oo nga! Ang tanda ko na pala talaga sishie! I respect everyone else's choices sa buhay, kasi importante ang respeto. Sa mga kabataan, may mga limitasyon tayong dapat alalahanin, gawin mo 'to sa taong tunay mong mahal, sa tamang panahon. Mas meaningful 'yun, believe me! Kaya lavan!!!”

Sa mga nagdaang shows ni Divine sa GMA 7 maliban sa Dear Uge, napatunayan niya ang
kanyang talento sa pag-arte at pagkanta sa mga shows tulad ng Magpakailanman, Tadhana,
Karelasyon at ang musical comedy variety show na Superstar Duets. “Madami-dami na ring
shows ang mga nagdaan at lumipas pero ang Dear Uge ang kino-consider ko talagang tahanan
ko sa Kapuso network. It's my longest engagement at syempre, my heart belongs to this show
dahil dito din ako nagsimula!” nakangiting pagtatapos ni Divine.

Catch Dear Uge every Sundays after Sunday Pinasaya.