TV

#DearDivine: Divine Aucina answers common millennial questions

By Cara Emmeline Garcia

Noong June 11, binigyan natin ng pagkakataon si Kapuso comedienne Eugene Domingo na magbigay ng payo sa iba't ibang millennial problems.

Mula sa pag-move on from a heartbreak hanggang sa paano umamin kay crush na gusto mo siya, nagbigay ng sariling tips si Eugene na talagang kapupulutan ng aral.

EXCLUSIVE: Eugene Domingo answers common millenial questions

Ngayon, si Divine Aucina naman ang sasabak sa pagsagot ng common millennial problems.

Dear Divine, ano ang pinkamadaling paraan para maka-move on sa heartbreak?

“Paano makaka-move on?

“Unang-una iiyak mo muna. Kailangan mo yan iiyak, kasi kailangan mong i-recognize na nasaktan ka.

“Tapos punta ka sa convenience store at kumain ka ng ice cream. Pag-isipan mo kung ano 'yung nangyari.

“Sa katunayan, mahirap talaga mag-move on kaya i-proseso mo muna 'yung pag-move on sa pamamagitan ng pag-iyak, pagkain, at pakikipagkaibigan.

“Kasi 'yung heartbreak na yan, dinadaanan lang yan at hindi tinatambayan. Daanan mo lang pero 'wag kang tumira.”

Dear Divine, paano ko sasabihin sa crush ko na crush ko siya?

“Alam ko na!

“Bilang millennial, para malaman ng crush mo na crush mo siya, panoorin mo lagi 'yung stories niya, then mag-send ka ng message o mag-wave ka.

“Simpleng-simple! Nako! Diyan nagsisimula [ang] lahat.

“'Pag nag-wave back siya, sabihin mo, 'Kamusta ka na?' Tapos pwedeng ma-develop 'yun into something.”

Dear Divine, paano ko i-build ang confidence ko sa sarili ko?

“Alam mo, paggising mo sa umaga, titigan mo lang sarili mo.

“Tanggalin mo muna 'yung muta sa mata mo, konting wisik-wisik ng tubig.

“Kung tutuusin 'di mo naman kailangan ng masyadong maraming makeup pero tingnan mo 'yung bawat parte ng mukha mo.

“Sabihin mo sa sarili mo, ang ganda ng mata mo, ang ganda ng ilong mo, ang ganda ng bibig mo, pouty!

“Isa-isahin mo lang 'yung bawat magandang parte ng katawan mo. Kasi 'pag pinagsama-sama na 'yun e, matutuwa ka na at mabi-build na 'yung confidence mo.”

Patuloy na subaybayan ang mga kuwentong tatampok sa Dear Uge na tunay na kapupulutan ng aral at katuwaan, tuwing Linggo, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!