TV

#DearDave: Dave Bornea answers common millennial problems

By Cara Emmeline Garcia

Noong mga nakaraang linggo (June 30), nagbigay sina Kapuso comediennes Eugene Domingo at Divine Aucina ng payo para sa iba't ibang millennial problems.

Dave Bornea

Nalaman natin na para kay Eugene, isang magandang experience ang umamin sa iyong crush dahil isa itong once in a lifetime chance to be with someone you like.

At para kay Divine, ma-attain ang self-confidence kung iisa-isahin ang mga magagandang parte ng iyong katawan at mukha.

Ngayong linggo (July 7), si Dave Bornea naman ang may chance na magbigay ng kanyang opinyon over a few millennial issues. Si Dave ay gumaganap bilang si Diego sa weekly comedy anthology na Dear Uge.

Alamin ang kanyang mga sagot dito:

Dear Dave, ano ang gagawin ko para maka-move on sa heartbreak?

“Hala! Paano maka move-on?

“Of course, sobrang broken hearted ka, pero alamin mo na 'di naman kailangan forever maging ganyan.

“It's about time to love yourself and it's important to give yourself time.

“So 'yun, love yourself na muna and gawa-gawa ka muna ng mga bagay na kaka-busy-han mo. hanggang such time na maka-move on ka na.”

Dear Dave, paano ko sasabihin sa crush ko na crush ko siya?

“Naku, 'yan 'yung pinaka 'wag niyong gagawin - ang pagiging torpe.

“Kasi 'di mo naman masasabi. Baka you will lose your chance.

“Ipon-ipon rin ng lakas ng loob para sabihin mo 'yung nararamdaman mo sa kaniya. Ganun lang!

“Kaysa aabot pa sa time na mapupunta siya sa iba at dun ka pa magsisisi, 'di ba? And 'yun 'yung pinakamasaklap dun. So take a risk, bruv.”

Dear Diego, paano ko malalaman ang calling ko sa life?

“Simple lang. Always, always pray.

“Lagi niyong tandaan na mayroong plano ang nasa taas at 'yung mga gusto niyong mangyari, ipagdasal niyo at work hard for it - 'yun lang 'yun.”

Patuloy na subaybayan ang mga kuwentuwaang magaganap sa Dear Uge, tuwing Linggo, 2:30 PM pagkatapos ng Sunday PinaSaya.