Divine Aucina, napasabak sa #DearUgeChallenge
Kumasa si Divine Aucina sa #DearUgeChallenge na makikita sa official Facebook page ng weekly comedy anthology show na Dear Uge.
Sa post, hinamon ni Kapuso comedienne Eugene Domingo si Divine na sabihin nang matagal ang salitang “Dear Uge.”
Halos maubusan na ng hininga si Divine pero umabot naman ito hanggang 13 segundo para sabihin ito.
Panoorin ang video:
#DearDivine: Divine Aucina answers common millennial questions
Mga Kapuso, kaya bang talunin ng hininga n'yo si Divine? I-post niyo lang ang videos sa Facebook o sa Instagram gamit ang hashtag na #DearUgeChallenge at baka kayo ang masuwerteng maimbitahan ni Uge sa kaniyang variety store.
Patuloy na subaybayan ang mga kuwentuwaang magaganap sa Dear Uge tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya!
EXCLUSIVE: Eugene Domingo answers common millennial questions