TV

'Dear Uge': Help, in love ata ako sa gay bff ko!

By Cara Emmeline Garcia

Ito ang unexpected love story ng dalawang taong hindi inaasahang para pala sila sa isa't isa.

Jackie Rice at JC Tiuseco

Nagsimula ito nang madiskubre ni Honey (Jackie Rice) na niloloko siya ng kanyang boyfriend at ang mistress nito ay isang transwoman na si Pepper (JC Tiuseco).

Sa galit, kinausap ni Honey si Pepper at sa isang unexpected turn of events ay naging matalik na magkaibigan pa sila. After all, hindi naman nila kasalanan na manloloko ang kanilang boyfriend kaya napag-isipan nilang i-dump ito ng sabay.

Eventually, mas lalong tumatag ang kanilang friendship na mukhang nagtu-turn into love. Dahil dito, natanong nila ang isa't isa, "Am I in love with my girl or gay best friend?”

But then, love is love.

Tatagal kaya ang kanilang unique relationship lalo na't kakaiba ang kanilang personalities?

Panoorin ang reigning comedy anthology sa bansa ang Dear Uge, kasama sina JC Tiuseco at Jackie Rice ngayong Linggo, July 5, sa GMA-7.