TV

Laging nagpapalibre si Vaness Del Moral sa kanyang best friend sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Ito ang kuwento ng dalawang magkaibigan na kalaunan ay naging mortal na magkaaway.

Best friend ni Janina (LJ Reyes) si Benita (Vaness Del Moral).

Sa umpisa, okay lang para kay Janina na ilibre ang kanyang bff ng milk tea, pagkain, pati ng movies.

Kung iisipin, mas may kaya naman si Janina kaysa kay Benita kaya mas maganda kung i-share na lang niya ang blessings niya, 'di ba?

Ngunit unti-unting nakakaramdam ng pang-aabuso si Janina sa kanyang bff.

Mas lumala ang isyu nang masabihan si Janina na layuan si Benita. Dahil dito, nasira ang kanilang nabuong friendship.

Carlo del Prado - Dear Uge

Maaayos kaya ito ni Uge o mananatiling magkaaway sina Janina at Benita?

Alamin yan sa reigning comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge, kasama sina LJ Reyes, Vaness Del Moral, at Aira Bermudez ngayong Linggo, August 9.