TV

EXCLUSIVE: 'Everything is by choice' says Juancho Trivino on destiny

By MARAH RUIZ

Kabilang si Kapuso actor Juancho Trivino sa cast ng highly-anticipated AlDub drama series na Destined To Be Yours.

"Ako si Badong dito. Ako 'yung may lihim na gusto kay Sinag, na si Maine [Mendoza], pero hindi ko masabi kasi I'm afraid na masira 'yung friendship namin," paglalarawan niya sa kanyang karakter.

Sa kuwento, magkababata sina Badong at Sinag sa piksyunal na bayan ng Pelangi. Para kay Juancho, maraming tao ang makaka-relate kay Badong. 

"'Yung ganoong sitwasyon? Oo naman, posible 'yun. Nangyayari palagi 'yun. Maraming mga torpe talaga sa mundo," natatawa niyang paliwanag. 

Pero kung realistic para sa kanya ang sitwasyon ng kanyang karakter, hindi naman daw siya naniniwala sa destiny.

"Everything, for me, is a choice. Hindi ako naniniwala doon sa kasabihan na kung kayo talaga, kayo talaga. Everything is by choice eh," pahayag nito.

Mas naniniwala raw siya sa paggawa ng sarili niyang mga desisyon at pagharap sa bunga ng mga desisyong ito. 

"Kung ginawa mo 'tong bagay na 'to you'll have to live with the choices that you've made. Kailangan panindigan mo na ginawa mo 'yun, kaya posibleng mawala sa iyo 'yung ibang tao," dagdag pa niya. 

Bukod kina Alden, Maine at Juancho, kasama rin sa star-studded cast sina Boots Anson Roa, Lotlot De Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, Sheena Halili, Dominic Rocco, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina at Ms. Janice de Belen. 

Abangan ang worldwide premiere ng Destined To Be Yours, February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. 

Sa labas ng Pilipinas, panoorin ang simulcast nito sa GMA Pinoy TV. I-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

EXCLUSIVE: Alden Richards, naniniwala sa destiny

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, ayaw isipin ang kumpetisyon ng 'Destined To Be Yours'