TV

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

By MARAH RUIZ

Pangalawang beses na palang makakatrabaho ni Maine Mendoza si Destined To Be Yours director Irene Villamor.

Si Direk Irene kasi ang nagsilbing assistant director sa "God Gave Me You," ang Eat Bulaga Lenten Special na pinagbidahan ni Maine at ka-love team nitong si Alden Richards.

"Super okay kasi love ko si direk Irene ever since. Sobrang chill niyang direktor kaya magaan din 'yung trabaho sa amin kasi hindi kami nape-pressure. Hindi niya kami pine-pressure. Sobrang okay siyang katrabaho," paglalarawan ni Maine sa direktor sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Malaking tulong din daw ang ibinibigay ng direktor sa kanya, lalo na at baguhan siya bilang dramatic actress.

"Basta tinutulungan lang niya ako if merong mga scenes na kailangan kong mag-internalize. Tinutulungan niya ako kung ano 'yung tingin niyang makakatulong sa akin since nangangapa pa ko dito," aniya.

Bukod kay direk Irene, inaalalayan din daw siya ng kanyang mga co-stars.

"Siyempre si Ms. Janice de Belen, hands down na tayo diyan! Ang pinaka naalala ko din sa kanya nung meron nang medyo heavy scene, parang tinulungan din niya ako," kuwento ni Maine.

"Binigyan din niya ako ng tips kung paano hindi mailang sa mga tao. Bago sa akin 'yung ganoon, since sanay ako sa pagpapatawa. Sobrang bukod kay Direk Irene ang kay Sir Jay, siyempre 'yung co-actors ko nakakatulong din sa akin sa mga eksena," dagdag pa nito. 

Minsan nang nabanggit ni Maine na binigyan na rin siya ng Alden ng ilang tips para mapabuti pa ang kanyang acting.

Abangan ang worldwide premiere ng Destined To Be Yours, simula February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Para sa simulcast nito sa GMA Pinoy TV, i-check ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugarat mag-subscribe dito. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Maine Mendoza, nakatanggap ng acting tips mula kay Alden Richards

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, ayaw isipin ang kumpetisyon ng 'Destined To Be Yours'

Photo by: mainedcm (IG)