TV

'Destined To Be Yours,' mapapanood worldwide via GMA Pinoy TV

By MARAH RUIZ

Espesyal ang magiging premiere ng unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours dahil mapapanood ito nang sabay sa Pilipinas at sa buong mundo!

Para sa mga AlDub fans na nakatira sa labas ng Pilipinas, magkakaroon ng worldwide simulcast ang serye sa GMA Pinoy TV.

Magsisimula ang Destined To Be Yours sa February 27, pagkatapos ng Encantadia

Para mapanood ito, tignan ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong bansa at rehiyon at mag-subscribe dito.


Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang site ng GMA Pinoy TV.