TV

WATCH: Unang patikim sa opening scene ng 'Destined To Be Yours'

By AEDRIANNE ACAR

Napanood kagabi sa 24 Oras ang unang sulyap sa opening scene ng AlDub teleserye na Destined To Be Yours na kinunan sa LRT-2 Cubao Station.

Kilig to the max ang mga eksenang kinunan nina Maine Mendoza at Alden Richards. Sa panayam ni Kapuso showbiz reporter Aubrey Carampel, ramdam ang excitement habang ginagawa ng AlDub ang big project na ito.

Ani Alden, “Ako since matagal na ako uma-acting sa soap iba pa rin kasi si Maine ang ka-partner ko ngayon.”

Dugtong naman ni Maine, “Sobrang surreal siya, parang hindi siya nangyayari sa normal na tao.”

Todo naman ang suporta ng Pambansang Bae sa kapareha dahil unang soap ito ni Menggay, pero napabilib si Alden sa progress ng Dubsmash Queen of the Philippines pagdating sa acting.

“Nararamdaman ko ‘yung struggle ni Maine, kasi first soap niya ‘to.”

“Iba kasi ‘yung ano ni Maine progress pagdating sa acting dito ayaw lang niya tanggapin eh.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Maine sa moral support na ibinibigay ni Alden sa kaniya.

“Nagwo-worry ako kung kaya ko ba, tapos siya moral support naman.” 

Video courtesy of GMA News

Catch the worldwide premiere of Destined To Be Yours on February 27!

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Alden Richards, excited nang bumalik sa primetime

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap