TV

EXCLUSIVE: Juancho Trivino, okay lang na bumalik sa supporting roles

By MARAH RUIZ

Bahagi ng cast ng highly-anticipated teleserye na Destined To Be Yours si Kapuso actor Juancho Trivino.

 

 

Makakasama niya dito ang phenomenal love team na AlDub o Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Juancho kasi ang gaganap bilang Badong, kababata ng karakter ni Maine na si Sinag. 

Ayos lang ba kanya na muling tumanggap ng supporting roles matapos maging leading man sa GMA Afternoon Prime series na Magkaibang Mundo?

"For me kasi, katulad ng sinasabi palagi ng ibang tao, there are no small roles, only small actors. Every work, every role is a blessing for me. And siyempre kasama ko dito, AlDub 'di ba? It will get the attention it always has," pahayag ni Juancho sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Sa tingin din daw niya, positibo ang magiging epekto nito sa kanyang career.

"I think this will be good for my career also. Marami pa rin naman talagang nag-congrats sa akin kahit na nag-lead na ako and I got this role. We'll se what will happen," aniya.

Bittersweet din daw para kay Juancho ang pagkakasungkit niya sa role. Masaya siyang makapagtrabaho para sa isang primetime series ngunit dahil din dito, magiging limitado ang paglabas niya sa longest running comedy show sa bansa na Bubble Gang

"Conflict [ang taping schedules] pero depende kasi kapag wala akong taping dito puwede kaming mag-Bubble Gang tuwing Monday. Conflict din sa Unang Hirit ko so hindi rin ako makakapag Unang Hirit. I'm stuck with one work lang. Hindi ako makakapag-tuhog," ayon sa aktor.

Gayunpaman, magko-concentrate na lang daw siya sa Destined To Be Yours para pagbutihin ito.

"Dito ako magko-concetrate ngayon. Medyo mahirap din kasi para sa akin 'yung marami kang work na sunud sunod kasi nahahati 'yung atensiyon mo sa karakter or nawawalan ka ng tulog at nawawalan ka ng pahinga. Nangyari sa akin 'yun sa Magkaibang Mundo before. Kaunti lang 'yung pahinga ko so medyo nahirapan talaga ako," kuwento niya. 

Naibahagi din ni Juancho na sobra siyang na-impress sa location kung saan sila nagte-tape ng serye. 

"'Yung location namin, hindi regular location. Apat na taon na 'kong nagte-taping, at first time ko mag-taping dito sa location na 'to. Wala talagang signal, nasa bundok talaga, napakalayo pero napakaganda. In terms of cinematography, it's really nice," pagbibida niya dito.

Bukod naman sa location, kaabang-abang din daw ang magiging tono o timpla ng serye. 

"It's light lang eh. Hindi siya masyadong heavy panoorin. Siyempre 'yung AlDub, medyo comedians din sila. Kami ni RJ [Padilla] nasa Bubble Gang kami so masaya siyang panoorin. Hindi siya heavy, light lang," pangako nito.

Abangan ang Destined To Be Yours, simula February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sabay ding mapapanood ang premiere nito sa mga bansa sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Destined To Be Yours: Alden Richards as Benjie Rosales

Destined To Be Yours: Maine Mendoza as Sinag Obispo

Photos by: @juanchotrivino(IG)