TV

First episode ng 'Destined To Be Yours,' pinakilig ang mga netizens

By MARAH RUIZ

Kagabi, February 27, umere ang pinakaaabangang unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.

Damang-dama hanggang sa social media site na Twitter ang excitement ng mga AlDub fans dahil ang official hashtag ng episode na #DestinedToBeYoursWorldPremiere ay umani ng mahigit two million tweets.

Ayon sa report ng netizen at AlDub fan na si Jerick Carlo Almeda na gumagamit ng Twitter handle na @pagkalagaan, 2,731,856 tweets ang gumamit ng official hashtag. 

Bukod pa ito sa mga tweets na may iba pang hashtags na kaugnay rin ng teleserye.

Lagi lang tumutok sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. Sabay rin itong mapapanood sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV.

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Destined To Be Yours: Destiny's promise | Full Episode 1

Destined To Be Yours: Tadhana by Denise Barbacena (Official Music Video)