TV

EXCLUSIVE: Do you believe in destiny? The cast of 'Destined To Be Yours' answers

By MARAH RUIZ

 

 

Sa usapan ng tadhana, sino nga ba sa cast ng GMA Telebabad series ng Destined To Be Yours and naniniwala dito? 

Sa isang serye ng mga eksklusibong panayam ng DestinedToBeYours.com.ph, sinagot nila ang age-old question na: Do you believe in destiny?

"Oh yes, that's what I believe. I believe na kahit na ano'ng gawin mo—tumambling ka man mula dito hanggang EDSA—kung hindi para sa 'yo, hindi para sa 'yo. If it's really destined to be yours, even if you don't lift a finger, makakamit mo, mapupunta talaga sa 'yo. Naniniwala ako doon." -Lotlot de Leon

"Oo! You begin to be thankful. Sa una parang feeling mo 'Oh bakit ganun?' but then in the end—when you see how it turns out—makikita mo na na parang okay. I think you begin to realize that maybe it was destined to happen this way because 'yun 'yung nakakabuti sa akin." -Ms. Janice de Belen

"Speaking for myself, parang 'yung partner ko destined to be mine. Wala [siya] sa kung ano 'yung mga sine-set ko na ito 'yung mold ng gusto ko. Feeling ko, siya 'yung ginuhit ng tadhana para sa akin kaya nakaka-relate ako doon sa title saka doon sa kuwento [ng Destined To Be Yours]." -Gardo Versoza

"Destiny? Parang ang lalim kasi ng destiny eh. I don't really believe in destiny." -Dominic Roco

"No. I don't believe in destiny, honestly. Everything, for me, is a choice. Hindi ako naniniwala doon sa kasabihan na kung kayo talaga, kayo talaga. Everything is by choice eh. Kung ginawa mo 'tong bagay na 'to you'll have to live with the choices that you've made. Kailangan panindigan mo na ginawa mo 'yun, kaya posibleng mawala sa iyo 'yung ibang tao." -Juancho Trivino

"[Destiny] itong nangyari sa akin, ito pong bakit ako nandito ngayon sa showbiz. Naniniwala ako na destiny ko talaga na mapunta dito sa tamang panahon, sa tamang oras, [at kasama ang] tamang mga tao." -Maine Mendoza

"'Yung nangyari sa amin ni Maine, that is really destiny. How is it that [people] who've met each other five years ago will meet in a variety show—will meet in Eat Bulaga—and then the magic happens? For me, that's destiny talaga. Walang makakapag-explain noon. Ako, hindi ko ma-explain. Siguro si Lord lang ang may kayang mag-explain nun sakin 'pag nag-meet kami." -Alden Richards

Patuloy na subaybayan ang kapalaran na iginuhit ng tadhana sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

EXCLUSIVE: Alden Richards, naniniwala sa destiny

EXCLUSIVE: Gardo Versoza, napaniwala sa destiny ng kanyang significant other