TV

READ: Lucky charms ng mga artista

By Bianca Geli

Dahil bukas na ang Chinese New Year, ibinahagi ng ilang Kapuso stars ang mga pinaniniwalaan nilang nagdadala ng suwerte sa kanilang buhay.

Lucky charms

Para sa Dragon Lady actress na si Janine Gutierrez, positive thinking at crystal charms ang kaniyang pampaswerte. Aniya, “Actually ako, ang pinaniniwalaan ko talaga is 'yung positive thinking, kasi sa tingin ko sobrang powerful ng mind pero recently sobrang nauuso 'yung mga crystals and nakakatanggap ako ng mga crystals from friends as gifts.”

Dagdag niya, “Sobrang interesting niya as in mayroon akong mga kaibigan na talagang kapag full moon, minu-moon bathe nila 'yung mga crystals nila para mag-cleansing tapos magsusulat ka ng mga intentions mo. so interesting siya and mayroon din akong konting crystals sa bahay although mababaw pa lang yung knowledge ko.”

Likas na dog-lover ang Dragon Lady actor na si Tom Rodriguez. “Lucky charm ko is my dog, Bubbly.”

Naniniwala rin daw siya sa suwerte na dala ng lucky charms. “Definitely I believe in lucky charms, isa akong malaking chambero. Likas na chamber sa buong buhay ko especially when it comes to my career here.”

Pagiging malapit naman sa kaniyang ina ang nagdadala ng swerte sa kaniya, ayon kay Edgar Allan Guzman. “Ang lucky charm ko is 'yung mommy ko. Every time na may desisyon sa buhay o career, lagi ko siyang sinasama. Nanghihingi ako lagi ng opinion sa kaniya. Everytime na sinasama ko yung mommy ko sa mga ganung pagkakataon sinisuwerte ako at nagiging smooth 'yung takbo ng desisyon ko.”

Para naman kay Joyce Ching na may lahi ring Chinese, “Yung lucky charms talaga, wala. Pero more of sa sarili ko na being kind and humble. I think 'yun talaga 'yung magdadala sa'yo ng luck or goodness.”