TV

WATCH: Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, excited na sa world premiere ng 'Dragon Lady'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi na makapaghintay sina Kapuso actors Janine Gutierrez at Tom Rodriguez na mapanuod ang kanilang pinagbibidahang fantasy-dragama na Dragon Lady.

Tom Rodriguez at Janine Gutierrez

Tiniyak ni Tom na marami nang pasabog sa pilot episode ng Dragon Lady sa Lunes, March 4, at marami pang aabangan dahil sa ganda ng kuwento ng show.

"Napaka-interesting nung premise, parang naka-seesaw siya between suwerte at malas," ani Tom.

"May fantasy element pa kaya sobrang nakaka-excite," dagdag niya.

Aminado naman si Janine na nahihirapan siya sa nilalagay na prostethics para magkaroon siya ng dragon-like features.

"It takes 3 hours to apply, 'tapos mga 30 to 40 minutes to remove, so kumakain talaga siya ng oras.

“Pero kung makikita mo siya in person, mamamangha ka sa linis," kuwento ni Janine.

Nakatakda namang pumunta si Janine bilang kaisa-isang Filipina na maging ambassador ng isang perfume line.

Alamin ang buong detalye sa report na ito na Lhar Santiago sa 24 Oras: