TV

Pekto Nacua, gustong maka-date ng isang Amerikana

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Pekto Nacua ang kanyang mensaheng nakuha mula sa isang Amerikana.

Ito ay dahil itinanong sa Kapuso star kung siya ay naka-experience na ng isang online date tulad ng ginagawa sa kanyang show na iho-host na E-Date Mo Si Idol.



Sagot ni Pekto, "Meron e, kaso mga foreigner. Siyempre nagugulat rin ako."

Kuwento pa ni Pekto, ang mensahe ay natanggap niya sa kanyang Facebook account.

"May ina-add akong mga friends sa Facebook siyempre kailangan ko nang gawin 'yun.

"Parang inopen ko na to public 'yung Facebook account ko. Inadd ko nang inadd 'yung mga nagpapa-accept ng mga friend request."

Dagdag pa ni Pekto diretsahan siyang minessage ng foreigner.

"Mayroong nagsabi sa akin, I like...I want dating. Tinignan ko 'yung profile, Amerikana. Pinigilan ko baka makita ng asawa ko e."

Dahil nagulat siya sa kanyang nabasa, ipinakita niya na umano ito sa kanyang asawa.

"Ipinakita ko sa wife ko, sabi ko tignan mo 'yung sinabi sa akin."

Ayon pa kay Pekto, sakaling may mag-message sa kanya ulit ng ganon ay sasabihan niyang sumali na lang ito sa E-Date Mo Si Idol.

"Doon ka makipag-date sa E-Date, gusto ko nga i-chat ng ganon e.

"Baka later on ganon 'yun ang gawin ko i-send ko sa kanila yung link ng E-Date Mo Si Idol para mas masaya 'di ba?"

Mapapanood na si Pekto sa season 2 ng E-Date Mo Si Idol ngayong September 3.

Reach for the stars and hangout with GMA Artist Center

GMA Artist Center takes over YouTube!