TV

WATCH: Bossing Vic Sotto nagtampo kay Maine Mendoza?

By Loretta Ramirez

Kahapon sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga, tila naaburido at nagtampo si Bossing Vic Sotto kay Maine Mendoza. 

Habang ini-interview kasi ang Sugod Bahay winner nina Jose Manalo, Wally Bayola at Maine, nagsasalita at nagbibigay naman ng payo si Bossing na nasa studio. 

Tila hindi tuloy nagustuhan ni Bossing ang hindi pakikinig sa kanya ng winner at ni Maine.

"Ayoko na. Nagtampo na ko hindi ninyo kami pinapansin," ani Bossing

Kaagad naman humingi ng tawad si Maine.

"Sorry Bossing...Sorry na....Bossing"

Idinaan naman sa biro ng Dabarkads ang lahat. Panoorin kung ano'ng sunod na nangyari.

Photos by: bossingvicsotto(IG) and mainedcm(IG)