TV

WATCH: Maine Mendoza, aminadong na-challenge nang maging core member sa 'Eat Bulaga'

By Cherry Sun

Aminado si Maine Mendoza na hindi biro ang naging challenge sa kanya bilang core member ng Eat Bulaga sa 40th anniversary celebration nito.

Bilang bahagi ng core team, ang pinakamalaking responsibilidad ni Maine ay ang pag-conceptualize ng palabas nila para sa isang Saturday show. Kung ang dating challenges na naranasan ng ibang dabarkads ay hindi lumampas ng dalawang araw, inabot ng apat na araw ang pagtatrabaho ng DubSmash Queen.

Kasama sa kanyang tasks sa pagbuo ng Saturday show ay ang pag-isip ng konsepto, paggawa ng core paper, pagplano ng plugs at pag-monitor ng editing nito, pag-present ng kanyang mga ideya sa direktor, at pagbantay sa rehearsals. Dikit din na nakatrabaho ni Maine ang executive producer, stage directors, recording staff at editor ng Eat Bulaga.

Bahagi niya tungkol sa kanyang karanasan, “To be completely honest, nahihirapan ako. Nagkapatong-patong lang din siguro 'yung trabaho kaya parang nabibigatan ako. Para kang bumalik sa pag-aaral tapos parang meron kang mga kailangang projects na may deadline. Parang ganun, 'yun nga lang, eto adult world na. Trabaho na 'to, di na 'to biro.”

Sa kabila ng apat na araw ng pagod at puyat, matagumpay na naitayo ni Maine at ng buong core team ang Saturday show.

Wika niya, “Masarap din siya sa feeling, hindi ko in-expect na ganun actually. Behind the camera kasi siya so iba rin 'yung fulfillment. At least naranasan ko na rin maging parte ng core and nalaman ko kung ano ba talaga 'yung ginagawa nila para lang mangyari 'yung Saturday show na inaabangan kada linggo.”

Video from Eat Bulaga's YouTube channel