TV

Leo Martinez, nakisaya sa 'Cash Landing On You' segment ng 'Eat Bulaga'

By Aimee Anoc

Masayang nakipagkwentuhan ang beteranong aktor na si Leo Martinez sa dabarkads sa pagsali niya sa “Cash Landing On You” segment ng Eat Bulaga.

Ibinahagi rin ng 71-year-old na aktor ang pinagkakaabalahan niya ngayong may pandemya kung saan biro nito ay "nakulong" siya [sa loob ng bahay] dahil senior citizen na siya.

"Pa-taping-taping 'pag mayroon, at saka sinasalaksak lagi ang ilong (swab test)," pagbabahagi ni Leo.

Hindi naman nabigong maiuwi ng aktor ang cash prize na Php 50,000 kasama ang home partner na si Jim Compas sa paghahanap ng mga bagay o pagkain na nagtatapos sa letrang “G.”

Huling napanood sa GMA rom-com series na Owe My Love si Leo bilang si Lolo Badong.

Samantala, tingnan ang Christmas Carol ng Eat Bulaga na pinamagatang "Parating na ang Pasko" sa gallery na ito: