TV

Netizens were moved to tears with Kate Valdez's post about Sang'gre Mira's death

By AEDRIANNE ACAR
Tumangis ang mga Kapuso sa mga nakakaiyak na eksena sa groundbreaking telefantasya series na Encantadia, kahapon March 24.
 

Napanood kagabi ang pagkamatay ng mga karakter nina Kate Valdez at Jake Vargas na sina Mira at Gilas.


Hindi tuloy maiwasan ng mga Encantadiks na malungkot sa pagkawala ni Mira, lalo nang mag-post ito nang isang emosyonal na mensahe para sa karakter ni Lira na ginagampanan ng Kapuso teen star na si Mikee Quintos.

Ayon sa post ni Kate, “Lira , Avisala Eshma sa lahat lahat, mula sa mundo ng mga tao, sa mga paglalakbay natin, sa mga laban na pinagdaanan natin, Lahat ng yun ay nalagpasan ko ng kasama ka. At syempre sa pagpapalakas ng loob ko sa lahat ng oras na nagiging negatibo ako. Hanggang sa muli aking mahal na pinsan. AVISALA MEISTE ; E CORREI DIU @mikeequintos #EncantadiaTrahedya”


Ramdam din sa social media ang pagkawala ni Mira na tila dumurog sa puso ng mga fans ng telefantasya series.

 

 

MORE ON 'ENCANTADIA':

LOOK: Who’s the guy playing the Lirean Soldier Abog in 'Encantadia'

READ: Celebs and netizens react to Phytos Ramirez joining 'Encantadia'

LOOK: Meet Encantadia's Bathaluman Ether, Janice Hung