TV

Pagpaslang ni Pirena kay Amihan | Encantadia Ep. 45

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 22 (Biyernes) episode nito, hinarap ni Amihan (Kylie Padilla) nang mag-isa ang mga Hathor upang protektahan ang Lireo. Kulang ang kaniyang lakas upang talunin ang mga kalaban kaya't lubhang nasugatan siya ni Pirena (Glaiza De Castro).

Magbubunyi na sana ang mga Hathor sa pagkamatay ng Sang'gre ngunit maililigtas pa ito ni Paopao (Yuan Francisco), ang taga-mundo ng mga tao na nakapropesiyang magsasalba sa kaniya.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.