TV

Si Paopao, ang tagapangalaga ng ikalimang Brilyante | Encantadia Ep. 46

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 25 (Lunes) episode nito, hawak na nina Pirena (Glaiza De Castro) at Hagorn (John Arcilla) ang Lireo at ang mga Encantado ngunit hindi nila alam kung nasaan ang katawan ni Amihan (Kylie Padilla).

Lingid sa kaalaman ng mga Hathor na itinakas at ginamot ng batang ligaw na si Paopao (Yuan Francisco) ang Reyna ng Lireo.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.