TV

Pagreyna-reynahan ni Pirena sa Lireo | Ep. 47

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa May 26 (Martes) episode nito, patuloy ang kasakiman ni Pirena (Glaiza De Castro) ngayong hawak niya na ang Lireo. Binalaan niya ang mga nakatakas na Encantado na papaslangin niya ang mga bihag kung hindi sila susuko.

Samantala, makakasama na muli ni Amihan (Kylie Padilla) ang kaniyang mga kakampi at ipapakilala kay Paopao (Yuan Francisco), ang batang ligaw na tagapangalaga ng Ikalimang Brilyante.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.