TV

Ang paglalayag nina Lira at Danaya | Ep. 55

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa June 5 (Biyernes) episode nito, ngayong nakabalik na sina Danaya (Sanya Lopez) at Lira (Mikee Quintos) sa Encantadia, magtutungo ang dalawa papunta sa Ascano, ang teritoryo ng mga Barbaros at Gigantes.

Nais pumunta ng dalawa sa Ascano upang humiling ng kalasag para kay Lira.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.