TV

Teacher in Bataan dresses up as 'Encantadia' Sang'gres while handling remote enrollment

By Dianara Alegre

Agaw-atensyon sa social media si Teacher Lorena Dela Cruz ng Lamao Elementary School sa Bataan dahil sa nakabibilib nitong costumes ng mga iniidolong Sang'gre ng Encantadia.

Upang aliwin ang sarili pati na rin ang mga estudyante habang nag-aayos ng mga enrollment papers, nagbihis nang parang Sang'gre si Teacher Lorena.

Wala naman siyang iniwanan sa apat na nagmamay-ari ng mahihiwagang brilyante dahil kumpleto ang costumes niya nina Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, Sang'gre Danaya at Sang'gre Pirena.

Source: DepEd

This Encantadik's fan-made videos of 'Encantadia' has millions of views on YouTube!

Nasubukan mo na ba ang 'Encantadia diet?'

Ayon sa reports, ang inisyatibong ito ay paraan daw ng guro para hikayatin ang mga estudyante at magulang na maging malikhain at positibo sa pag-aaral at pagtuturo sa kanilang mga anak.

Samantala, hindi lang si Teacher Lorena ang humingi na ng saklolo sa mga Sang'gre dahil pati netizens ay pinauso na rin ang iba't ibang Encantadia vs COVID-19 memes at posts.

Netizens share 'Encantadia' vs. COVID-19 memes, posts

'Encantandia' trends on Twitter on first night of re-airing!

Avisala, mga Kapuso!