TV

Pagtakwil ni Pirena kay Mira | Ep. 66

By Felix Ilaya

Sa June 22 (Lunes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime, gagamitin ni Amihan (Kylie Padilla) si Mira (Kate Valdez) upang mabawi ang kaniyang anak mula sa kamay ni Pirena (Glaiza De Castro).

Ngunit laking gulat na lang nina Amihan at Mira nang sabihin ni Pirena na wala raw siyang pakialam kahit mapaslang pa si Mira.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.