TV

Muling paghaharap nina Amihan at Adhara | Ep. 77

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa July 7 (Martes) episode nito, natunton na ni Muyak (Klea Pineda) kung nasaan si Lira (Mikee Quintos) na kasalukuyang bihag ni Adhara (Sunshine Dizon).

Ibinalita niya kay Amihan (Kylie Padilla) ang kinaroroonan ng anak nito at agad naman itong sumugod sa kampo nina Adhara. Bago pa man maligtas ni Amihan ang kaniyang anak, uunahan na siya ni Adhara at ikukulong si Lira sa loob ng isang kwintas.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.