TV

Paalam, Adhara | Ep. 78

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa July 8 (Miyerkules) episode nito, maghaharap na sina Amihan (Kylie Padilla) at Adhara (Sunshine Dizon) para mabawi ni Amihan ang kaniyang anak na si Lira (Mikee Quintos).

Matatalo na sana ni Adhara si Amihan nang bigla siyang sinaksak ni LilaSari (Diana Zubiri) sa likod! Ngunit sa pagkamatay ni Adhara, hindi pa rin nabawi ni Amihan ang kaniyang anak sapagka't kasalukuyan itong nakakulong sa loob ng kwintas ni Adhara.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.