TV

Ang sumpa ni Bathalumang Ether kay Lira | Ep. 92

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa July 28 (Martes) episode nito, sa labis na galit ni Alena (Gabbi Garcia) kay Lira (Mikee Quintos) ay babawiin niya ang tinig nito na kaniyang niregalo noong ito ay sanggol pa lamang.

Matatagpuan din ni Bathalumang Ether ang walang kalaban-laban na si Lira at isusumpa ito upang mabago ang anyo ng diwata at mabura si Lira sa mga alaala ng lahat ng nakatira sa Encantadia.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.