TV

Pagtataksil ni Alena | Ep. 96

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 3 (Lunes) episode nito, nagpapanggap si Alena (Gabbi Garcia) na kakampi ng kaniyang mga kapatid na sina Amihan (Kylie Padilla) at Danaya (Sanya Lopez) upang manakaw ang mga Brilyante nila.

Hindi kumbinsido si Amihan sa pagpapanggap ni Alena kaya't mamanmanan niya ang Sang'gre upang alamin ang tunay na pakay nito.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.