TV

Laban para sa Lireo | Ep. 101

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 10 (Lunes) episode nito, nilusob ng kampo ni Amihan (Kylie Padilla) ang Lireo upang mabawi ito mula kay Hagorn (John Arcilla).

Dahil sa kaguluhang nagaganap sa kaharian ng mga diwata, makakakita si LilaSari (Diana Zubiri) ng tamang pagkakataon upang pagtaksilan ang kaniyang asawa para makuha ang Brilyante ng Tubig.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.