TV

Plano ni Amihan laban kay Hagorn | Ep. 123

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 9 (Miyerkules) episode nito, inutusan ni Hagorn (John Arcilla) si Amihan (Kylie Padilla) na sabihin sa kaniya ang kinaroroonan ni LilaSari (Diana Zubiri) kapalit ng buhay nina Ybrahim (Ruru Madrid) at Pirena (Glaiza De Castro).

Dahil sa kagustuhan ni Amihan na panindigan ang kaniyang pinaniniwalaan, hindi isusuko ng Reyna ang pinagtataguan ni LilaSari. Upang mailigtas sina Ybrahim at Pirena, bubuo siya ng plano upang makapasok sa Hathoria.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.