
Makikisaya ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Angel Guardian kasama si Rhian Ramos sa darating na TOYCON Evolution 2024 o The Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention sa SMX Convention Center Manila, Pasay City ngayong Sabado, June 15.
Magsisimula ang meet and greet ng cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ng 3:00 p.m.
Sa continuation ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, makikilala sina Bianca bilang Terra, Kelvin bilang Adamus, Faith bilang Flamarra, at Angel bilang Deia, ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.
Makakasama rin sa iconic telefantasya na ito ng GMA sina Glaiza De Castro na magbabalik bilang Pirena at Rhian Ramos na gaganap bilang ang Ice Queen na si Mitena.
Magbabalik din sa serye sina Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Rocco Nacino bilang Aquil mula sa Encantadia 2016.
Nasa serye rin sina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: