GMA Logo Family Feud Kids Edition
What's on TV

Mga batang studio players, sasabak sa 'Family Feud' Kids Edition simula October 25!

By Jimboy Napoles
Published October 19, 2023 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Baseball team, Olympians Sanchez, Cabang Tolentino banner PH medal rush in Day 3
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Kids Edition


Abangan ang intense bardagulan ng mga batang studio player sa Kids Edition ng 'Family Feud' ngayong October 25.

First time sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo, mapapanood ang labanan sa hulaan ng top survey answers ng mga cute at bibong tsikiting sa kauna-unahang Family Feud Kids Edition sa GMA.

Kasabay ng bagong season ng Family Feud, may bago ring handog ang programa upang magdala ng good vibes sa tahanan ng mga Kapuso gabi-gabi, kabilang na nga rito ang ilang special episodes kung saan mga bata naman ang magiging studio players kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Sa October 25 unang mapapanood ang Kids Edition ng game show tampok ang ilang child stars at Sparkle talents na napanood na rin sa iba't ibang Kapuso programs.

Ang team na The Cutie Crew ay pangungunahan ng gumanap na Little John sa Voltes V: Legacy na si Raphael Landicho, kasama sina Juharra Asayo, Ethan Harriot, at Cassandra Lavarias.

Makakalaban ng team nina Raphael ang team Little Charmers kasama ang naging anak-anakan noon ng host na si Dingdong sa seryeng Royal Blood na si Sienna Stevens, ang isa sa mga bida ng Metro Manila Film Fest entry na Firefly na si Euwenn Aleta, kasama pa sina Arhia Faye at Franchesco Maafi.

Kung naaaliw na tayo sa mga sagot at asaran ng regular at adult studio players, abangan ang mas intense pang bardagulan ng mga celebrity kids players na tiyak na maghahatid ng good vibes sa lahat ng manonood.

Samantala, sa nagdaang media conference ng Family Feud kasama si Dingdong, tinanong ng press ang aktor at TV host kung dapat din bang asahan ang paglalaro ng anak nila ni Marian Rivera na si Zia sa programa.

Sagot ni Dingdong, “Alam mo minsan naglalaro kami sa bahay, nag-iimbento kami ng mga tanong-tanong, tapos sinusubukan niyang sumagot at 'yong ginagamit ko pa nga e, 'yong mga dati naming questions galing sa past episodes. Nakakasagot naman siya nang pakonti-konti, ano pa kaya kapag kids?”

Ayon pa sa game master, siguradong may mapupulot na aral ang mga bata sa Family Feud Kids Edition.

Aniya, “I'm sure nakakatawa sigurado 'yung mafo-formulate nating mga tanong para sa mga bata, nakakaaliw 'yun for sure and of course educational na rin para sa kanila.”

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.