GMA Logo Dingdong Dantes, Sienna Stevens
What's on TV

Dingdong Dantes reunites with Sienna Stevens on 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published October 25, 2023 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Sienna Stevens


Muling nagkita sina Dingdong Dantes at anak-anakan niya na si Sienna Stevens sa 'Family Feud.'

Nagkaroon ng instant reunion ang gumanap na mag-ama sa Royal Blood na sina Napoy at Lizzie na sina Dingdong Dantes at Sienna Stevens sa game show na Family Feud.

Ngayong Miyerkules, napanood ang kauna-unahang Kids Edition ng Family Feud kung saan host si Dingdong at studio player naman si Sienna.

Kasama ni Sienna sa mga naglaro sa nasabing episode ang kapwa niya child stars sa team Little Charmers kabilang ang isa sa mga bida ng Metro Manila Film Fest entry na Firefly na si Euwenn Aleta, up-and-coming child stars na sina Arhia Faye, at Franchesco Maafi.

Nakalaban nila ang team na The Cutie Crew na pinangunahan ng gumanap na Little John sa Voltes V: Legacy na si Raphael Landicho, kasama sina Juharra Asayo, Ethan Harriot, at Cassandra Lavarias.

Sa muling pagkikita nina Dingdong at Sienna, agad na nag-picture ang dalawa at saglit na nagkumustuhan.

RELATED GALLERY: Dingdong Dantes, paborito ang child star na si Sienna Stevens sa 'Royal Blood'

Samantala, sa briefing at discussion na ginawa bago ang paglalaro ng mga batang studio player, sinabi ni Sienna ang mahalaga ay mag-enjoy lang sila sa kanilang game.

Aniya, “Ang importante ay dapat na masaya.”

Sa kanilang paglalaro, naiuwi ng team ni Sienna na Little Charmers ang PhP200,000 jackpot prize. Sila ang kauna-unahang team na nanalo ng jackpot sa Kids Edition ng Family Feud.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.