GMA Logo Family Feud Philippines Kids Edition
What's on TV

Kids edition ng 'Family Feud Philippines,' gustong gayahin ng 'Family Feud Malaysia?'

By Jimboy Napoles
Published April 21, 2024 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Philippines Kids Edition


Ang 'Family Feud Philippines' sa GMA ang kauna-unahang gumawa ng kids edition sa history ng 'Family Feud' franchise sa buong mundo.

Napapanood sa bagong season ng Family Feud Philippines ang pagkakaroon ng kids edition kung saan batang studio players naman ang sumasalang sa hulaan ng top survey answers.

Ang Family Feud Philippines sa GMA ang kauna-unahang gumawa nito sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo.

Ayon sa may-ari ng Family Feud na Fremantle, maganda ang naging reception ng audience sa pagkakaroon ng episodes na exclusive para sa mga bata.

Sa katunayan, nagpahatid umano ng interes ang Family Feud Malaysia na gayahin ang kids edition ng Family Feud Philippines.

Unang napanood ang kids edition ng Family Feud PH noong October 25, 2023.

Naglaro dito ang walong promising child stars ng GMA kasama ang naging anak-anakan noon ng game master na si Dingdong Dantes sa seryeng Royal Blood na si Sienna Stevens, ang Best Child Actor ng 2023 Metro Manila Film Fest entry na Firefly na si Euwenn Mikaell, at up-and-coming child stars na sina Arhia Faye at Franchesco Maafi.

Nakalaban maman nila ang team ni Little John sa Voltes V: Legacy at My Guardian Alien actor na si Raphael Landicho, kasama sina Juharra Asayo, Ethan Harriot, at Cassandra Lavarias.

Ang team nina Sienna at Euwenn ang tinanghal na first-ever jackpot prize winner sa kids edition ng Family Feud Philippines.

Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ang episode kung saan mga anak ng celebrities naman ang maglalaro habang ang celebrity parents ay uupo sa audience area upang i-cheer ang kanilang mga anak.

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.