GMA Logo Family Feud Philippines Week 2
What's on TV

'Family Feud' Philippines: Team TikTokerist, second winner ng jackpot prize! | Week 2

By Jimboy Napoles
Published April 4, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Philippines Week 2


Patuloy na naghahatid ng good vibes ang pinakamalaking game show ngayon sa bansa na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Sa ikalawang linggo ng Family Feud Philippines ng GMA, mas lalong tumataas ang ratings na natatanggap ng programa dahil sa mainit at patuloy na pagtutok ng maraming manonood.

Tuloy-tuloy din ang pagiging trending ng bawat episodes lalo na ang mga laughtrip na sagot ng mga celebrity guest players sa mga survey questions.

Kabilang sa mga celebrity na nakisaya noong Lunes (March 28), ay ang Team Herras family na pinangungunahan nina Mark Herras at asawa nito na si Nicole Donesa. Nakaharap nila ang Team Young-Daez family kasama sina Mikael Daez at Megan Young.

Nagtapat naman noong Martes (March 29), ang Doesnt Family at Estrada family kasama sina Wilma Doesnt, anak nito na si Asiana Doesnt, at sina Bernadette Estrada at Rob Gomez.

Naghatid din ng level-up na tawanan noong Miyerkules (March 30), ang Team TikTokerist na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly. Tinatapatan sila ng Team Dancerist na binubuo ng mga idol sa dance floor na sina DJ Loonyo, Mannex Manhattan, Faye Protacio at Rheggie Lunio.

Ang Team Kapuso Hunks at Team Pepito Manaloto naman ay nagpatawa at nagpakilig noong Huwebes (March 31), kasama rito ang hunk actors na sina Prince Clemente, Yasser Marta, Nikki Co, Carlo San Juan at ilan sa cast ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sina Mikee Quintos, Kristoffer Martin, Kokoy De Santos at Jay Arcilla.

Good vibes din ang episode sa unang araw ng Abril noong Biyernes kasama ang Team Cupcake sa pangunguna ng batikang aktor na si Gardo Versoza. Hinarap nila ang Team Guzman family kasama ang pamilya ng aktor na si EA Guzman.

Samantala, ang Team TikTokerist naman ang ikalawang grupo na nanalo ng Php 200,000 jackpot prize sa Family Feud Philippines. Una itong naiuwi ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang noong nakaraang linggo sa pilot week ng nasabing programa.

Panoorin naman ang winning interview ng Team TikTokerist sa online exclusive video na ito:

Balikan ang mga na-miss mong Family Feud episodes sa ibaba.

'Family Feud' Philippines: Team Herras Family vs Team Young-Daez Family | Episode 6

'Family Feud' Philippines: Team Doesnt Family vs Team Estrada Family | Episode 7

'Family Feud' Philippines: Team TikTokerist vs Team Dancerist | Episode 8

'Family Feud' Philippines: Team Pepito Manaloto vs Team Kapuso Hunks | Episode 9

Tumutok sa 'Family Feud,' weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.