TV

'Family Feud' Philippines ng GMA, panalo sa ratings!

By Jimboy Napoles

Patuloy na tinututukan ng buong bansa ang pinakamalaking game show ngayon sa GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Patunay rito ang mataas na ratings na nakukuha ng nasabing programa. Kahapon, araw ng Martes (April 5), tumabo sa 9.6 percent ang ratings ng show na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Sa episode na ito ng Family Feud, nagharap ang pamilya ng young comediennes at kapwa breadwinners na sina Kiray Celis at Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl.

Panoorin ang kanilang laughtrip na hulaan sa top answer sa survey questions sa video sa ibaba.

Tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng papremyo ng programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays, 5:45 p.m. sa GMA!