GMA Logo Family Feud Dance Challenge
What's on TV

Sumali na sa 'Family Feud' dance challenge sa TikTok!

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2022 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Dance Challenge


Ikaw ba ay may itinatagong talento sa pagsayaw o gusto lamang humataw? Sumali na sa #FamilyFeudDanceChallenge sa TikTok!

Mula sa paghahatid ng good vibes ng Family Feud sa inyong mga telebisyon sa tahanan ay extended na rin ang saya online dahil #FamilyFeudDanceChallenge sa TikTok na pwede for all ages at all members of the family.

Simple lang ang gagawin upang makasali. Una, I-follow lamang ang @familyfeudph sa TikTok. Ikalawa, panoorin at aralin ang dance steps sa video na ito: https://bit.ly/3k6V6Rp. Ikatlo, karirin ang pag-record sa sarili at bonggahan ang smile habang sumasayaw gamit ang sound na "Family Feud Anong Sabe?," na makikita mismo sa dance tutorial. Panghuli, i-post ang inyong video sa TikTok at lagyan ng hashtag na #FamilyFeudDanceChallenge.

Malay mo, magkaroon ka pa ng chance na maka-showdown ang game master na si Dingdong Dantes. Aminin, gusto mo 'yan! Kaya sali na!

Patuloy din na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website gamit ang link na nasa ibaba upang mapanood ang live streaming.

Samantala, alamin naman ang iba't ibang TikTok trends at challenges na pinauso ng ilang celebrities sa gallery na ito.