TV

'Family Feud' Philippines: Ipanalo ang pamilyang good vibes | Week 6

By Jimboy Napoles

Trending at patuloy na pinag-uusapan ng maraming Kapuso viewers ang pinakamalaking game show ngayon sa GMA -- ang Family Feud Philippines kasama ang Kapuso game master na si Dingdong Dantes.

Parami na rin nang parami ang mga manonood na nakatatanggap ng papremyo mula sa programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Bukod pa rito, extended na rin ang saya online dahil sa pagsisimula ng #FamilyFeudDanceChallenge sa TikTok na pwede for all ages at all members of the family.

Sa ikaanim na linggo ng Family Feud, unang nagtapat ang ilang cast ng seryeng Mano Po Legacy: Her Big Boss na binubuo nina Teejay Marquez, Blue Cailles, Marina Benipayo, at Ricardo Cepeda laban sa Prima Donnas na binubuo naman nina Gina Alajar, Mel Kimura, Philip Lazaro, at Eunice Lagusad.

'Family Feud' Philippines: 'Mano Po Legacy: Her Big Boss' vs 'Prima Donnas' | Episode 24

Nagtapat naman noong Martes (April 26), ang That's Entertainment family vs Moreno Family. Ang team Moreno family ay binubuo mismo ng mga kamag-anak ni Master Showman Kuya Germs na sina Federico Moreno, Harlene Bautista, Luis Gabriel Moreno, at Jaime Moreno. Nakaharap nila ang mga anak din ni Kuya Germs mula sa That's Entertainment na sina Tina Paner, Ricky Rivero, Sharmaine Arnaiz, Robert Ortega. Sa episode na ito tinanghal na jackpot winner ang Moreno family.

'Family Feud' Philippines: 'That's Entertainment' vs Moreno Family | Episode 25

Isang masayang hulaan naman ang ipinakita ng Feliciano Family na sina Kimpoy Feliciano, Kaye Feliciano, kasama sina Anjo Pertierra, Kikiyaaah laban sa Team Ganda na mga beauty queen na sina MJ Lastimosa, Ariella Arida, Kelley Day, at Ann Colis noong Miyerkules (April 27).

'Family Feud' Philippines: Feliciano Family vs Team Ganda| Episode 26

Kilig Thursday (April 28), naman ang inihatid ng OPM band na Magnus Haven na sina Rajih Mendoza, David Galang, Louise Vaflor, at Sean Espejo laban sa kapwa pinoy artists na sina Carl Guevarra, Japs Mendoza, Chael Adriano, at RJ Cruz ng The Juans.

'Family Feud' Philippines: Magnus Haven vs The Juans | Episode 27

Noong Biyernes (April 29), isang matinding bakbakan sa hulaan ng top answers naman ang inilaban ng Kapuso Sweethearts na sina Arra San Agustin, Kim Rodriguez, Lala Vinzon, at Elle Villanueva laban sa Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Sheree Bautista, Gwen Garci, at Jennifer Lee.

'Family Feud' Philippines: Kapuso Sweethearts vs Viva Hot Babes| Episode 28

Patuloy din na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.