TV

Team Empire Philippines, wagi ng jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Panalo ng PhP 200,000 jackpot prize ang team Empire Philippines sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud ngayong Miyerkules (May 4).

Ang team Empire Philippines ay binubuo ng beauty queens na sina Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez, Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2021 candidate Isabelle De Los Santos, at Manhunt Philippines 2019 Daumier Corilla.

Sa nasabing episode, nakaharap nila ang Team World at kapwa pageant winners na binubuo ng Miss World beauty queens na sina Tracy Maureen Perez, Dindi Pajares, Shaila Rebortera, Tatyana Austria.

After four rounds, naungusan ng team nina Rabiya ang Team World kung saan nakakuha sila ng 338 na score.

Sina Rabiya at Beatrice ang sumalang sa fast money round kung saan nakabuo sila ng 264 points na pasok upang maiuwi ang jackpot prize.

Dahil dito, ang team Empire Philippines ang tinanghal na ikawalong jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Una itong naipanalo ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang sa pilot week ng nasabing programa.

Ikatlo ay ang Team Bubble Gang kasama ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico.

Ikaapat naman ay ang Team Gameboys na sina Elijah Canlas, Sue Prado, Kych Minemoto at Miggy Jimenez.

Ikalima, naman ang Team Fit and Fab nina Rochelle Pangilinan, Luane Dy, Max Collins, at Noelle Samson.

Ikaanim ang Moreno family na sina Federico Moreno, Harlene Bautista, Luis Gabriel Moreno, at Jaime Moreno.

Habang ikapito naman ang team StarStruck 7 na binubuo ng mga alumni ng reality show sa pangunguna ng season seven ultimate male survivor na si Kim de Leon, kasama sina Lexi Gonzales, Dani Porter at Jeremy Sabido. Nanalo sila nito lamang Lunes (May 2).

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Caritas Manila bilang chosen charity ng team Empire Philippines.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, kilalanin naman ang Kapuso beauty queens sa gallery na ito.