TV

Gigil moments ni Rabiya Mateo sa 'Family Feud,' naghatid good vibes online

By Jimboy Napoles

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa TikTok ang gigil moments ni Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang paglalaro sa Family Feud Philippines kahapon, Miyerkules (May 4).

Game na game na sumabak sa pagsagot sa survey answers ang beauty queen at talagang desidido na manalo ang kanilang team, at ang game face on ni Rabiya, ikinatuwa ng mga netizens.

Sa TikTok, may ilang social media users ang nag-repost ng video ni Rabiya sa Family Feud at ginawan ng mga nakatutuwang meme.

@universephilippines22 Walang uuwi pag hindi nabalik yung wallet #rabiyamateo #beatriceluigigomez #missuniversephilippines2020 #missuniversephilippines #missuniverse #foryoupage #foryou #fyp ♬ original sound - Little pageantry 🌌

@onlymissuniverse emotional damage #rabiyamateo #beatriceluigigomez #missuniverse #fyp ♬ original sound - Miss Universe

Komento ng isang netizen sa video ni Rabiya, "Laughtrip talaga si Rabiya sobrang hyper hahaha."

Good vibes din ang hatid ng beauty queen sa isang netizen, "Tawang-tawa ako sa hype ni Rabiya kanina, ang hinhin noong nanalo sa Miss Universe Philippines tapos sobrang saya noong nanalo sa Family Feud."

Sa pagsalang ni Rabiya sa fast money round ng game show kahapon, apat na top answers ang kanyang nahulaan kaya napansin din ng kanyang fans ang kanyang pagiging brainy.

"'Yung ambilis niya na sumagot tapos puro top answer pa. Galing Ibyang!" komento ng isang fan.

Sa nasabing episode ng Family Feud, kagrupo ni Rabiya sa Team Empire Philippines sina Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez, Miss Universe Philippines 2021 candidate Isabelle De Los Santos, at Manhunt Philippines 2019 Daumier Corilla.

Nakatapat nila ang Team World at kapwa pageant winners na binubuo ng Miss World beauty queens na sina Tracy Maureen Perez, Dindi Pajares, Shaila Rebortera, Tatyana Austria.

After four rounds, naungusan ng team nina Rabiya ang Team World kung kaya't sila ang sumalang sa final round na fast money round.

Dito ay nahulaan din ni Beatrice ang isang top answer at nakabuo sila ng 264 points na pinakamataas na score na nakuha ng celebrity guest players sa Family Feud sa ngayon.

Nag-uwi ng PhP 200,000 jackpot prize ang team nina Rabiya kahapon.

Samantala, patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Kilalanin naman si Rabiya bilang isang Kapuso actress sa gallery na ito.