TV

Team 'First Lady' ni Sanya Lopez, wagi ng jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles

Wagi ng Php 200,000 jackpot prize ang First Lady family na pinangungunahan ng lead actress ng programa na si Sanya Lopez, kasama ang co-stars niya na sina Anjo Damiles, Analyn Barro, at Muriel Lomadilla sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud ngayong Miyerkules (May 11).

Sa nasabing episode, nakaharap nila ang mga komedyante na Team Gays Pangkalawakan na sina Maja Kubrador, Marian Rivermaya, Avatar, at Barbiengot Forteza.

Simula first round, leading na ang First Lady family pero nakahabol ang Team Gays Pangkalawakan sa third round sa score na 40 points. Nakabawi naman ang grupo nina Sanya sa fourth round kung kaya't sila ang nakapasok sa fast money round ng game show.

Sa last round, nakabuo sina Sanya at Analyn ng 207 points na score na pasok upang makuha ang PhP 200,000 jackpot prize.

Dahil dito, ang team First Lady na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Sinundan nila ang team Empire Philippines na binubuo ng beauty queens at pageant winners na sina Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez, Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2021 candidate Isabelle De Los Santos, at Manhunt Philippines 2019 Daumier Corilla.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, tingnan naman ang nabuong masayang samahan ng First Lady cast sa gallery na ito.