TV

The Dawn, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Napatalon sa saya ang bandang The Dawn nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa top-rating game show sa bansa na Family Feud, ngayong Miyerkules, July 6.

Ang The Dawn ay pinangungunahan ng batikang musikero at aktor na si Jett Pangan. Kasama niya na naglaro sa programa sina Sancho Sanchez, Kiko Reyes, at Carlo Orosa.

Nakatapat nila ang "Spoliarium" hitmakers na bandang Imago na binubuo naman ng nina Myrene Marasigan, Tim Cacho, Mervin Panganiban at kanilang bagong bokalista na si Kiara San Luis.

Dikit ang laban ng dalawang team sa magkasunod na rounds pero na-steal ng The Dawn ang ikatlong round at nagkamit ng score na 258.

Sa round na ito ay nakakuha ang The Dawn ng PhP100,000 mula sa Family Feud at additional PhP100,000 mula sa Shopee.

Ang last round naman ay ang fast money round kung saan dalawang miyembro lang ang magkasunod na sasagot sa survey questions.

Sina Jett at Carlo ang sumalang sa nasabing round kung saan matagumpay silang nakakuha ng lagpas sa 200 points na pasok upang maiuwi ang jackpot prize.

Tumataginting na PhP300,000 ang total cash na naiuwi ng The Dawn sa kanilang paglalaro sa Family Feud.

Noong nakaraang linggo, isang OPM rock band din na Color It Red ang nanalo ng jackpot prize mula sa programa.

Mapapanood naman ang Family Feud ng mas maaga sa July 5 hanggang July 7 sa oras na 5:35 ng hapon.

Bukod dito, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

Samantala, kilalanin naman ang ilang OPM hit makers na walang apelyido sa gallery na ito: