TV

'Family Feud' ng GMA, patuloy na namamayagpag sa ratings!

By Jimboy Napoles

Survey says...parami na nang parami ang hooked na hooked sa pinakamasayang game show ngayon sa GMA na Family Feud kasama ang game master nito na si Dingdong Dantes.

Mula sa pilot week ng programa noong Marso, hanggang sa kasalukuyan ay mas humahataw pa sa ratings ang pinag-uusapang family game show.

Sa katunayan, tumabo sa 11.9 percent ang ratings ng programa nito lamang June 28, kung saan higit na mas mataas ito kumpara sa mga nagdaang ratings.

Malayo rin ang agwat nito sa mga katapat na programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People Ratings.

EMBED image: Family Feud

Sa mga nagdaang episodes ng Family Feud, marami na sa mga celebrity guest players ang nanalo ng PhP200,000 jackpot prize. Ilang pamilya na rin mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagwagi sa "Guess To Win" promo.

Asahan na mas marami pang-sorpresa ang ihahatid sa inyo ng programa sa mga susunod na araw, kaya tutok lang mga Kapuso!

Samantala, mas maaga n'yo nang mapapanood ang Family Feud sa July 5 hanggang July 7 sa oras na 5:30 ng hapon.

Balikan naman ang naging pagbisita ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Family Feud sa gallery na ito: